PAG-TAAS NG PRESYO NG BIGAS
Hindi maawat-awat ang pagtaas ng presyo ng bigas dahil sa kakulangan ng produksyon na dulot na rin ng pagkabawas ng mga palayan sa buong bansa. Subalit sa halip na lutasin ito ng naghaharing rehimen, mas gusto nitong umasa sa pag-aangkat para punuan ang kakulangan sa suplay. Ito ay para pagbigyan ang mga makapangyarihang kartel na siyang kumokontrol kapwa sa ligal na importasyon at ismagling ng bigas at nagmamanipula sa presyo nito. Kinabibilangan ang mga kartel ng mga negosyanteng Chinese-Filipino at kasosyo nilang mga kamag-anak at upisyal ng pangkating Aquino.
Noong nakaraang buwan, tumaas nang P2 hanggang P4 bawat kilo ang presyo ng bigas. Mula P30/kilo, nasa P32-34/kilo na ngayon ang presyo ng pinakamurang bigas sa bansa. Sa Mindanao, tumaas nang abereyds na P9/kilo ang presyo ng bigas, mula P27 tungong P36.
Ang kakulangan ng suplay ng bigas ay dahil sa mababang produksyon ng palay nitong nakaraang mga taon. Ayon sa datos ng Department of Agriculture, bumaba nang 2% ang produksyon ng palay nitong Abril-Hunyo 2013 kumpara noong pangalawang kwarto ng 2012. Mula 3.9 milyong metriko tonelada (mt), bumagsak ito sa 3.83 milyong mt. Kulang na kulang ang kasalukuyang lokal na produksyon ng palay para abutin ang target na 20 milyong mt para magkaroon ng sapat na suplay ang 100 milyong populasyon ng Pilipinas.
Sinisisi ng gubyerno ang mga bagyo at ibang kalamidad sa pagbaba ng produksyon. Ngunit ang totoong dahilan ay ang patuloy na pagpapalit-gamit ng lupa para sa eko-turismo, real estate at iba pa at kakulangan ng sapat na suporta ng gubyerno sa pangangailangan ng mga magtatanim ng palay. Pinakatampok dito ang kawalan ng lupa ng mga magsasaka at ang kawalan ng totoong reporma sa lupa na makapagbibigay sa mga magsasaka ng sariling lupa na matatamnan.
REAKSYON:
Para saakin ang pagtaas ng presyo ng bigas ay nakadepende rin sa nagbebenta dahil sila ang nagmamanipula ng presyo katulad ng prsyo ng bawang. Sa tingin ko hindi naman natin kailangan mag-import ng bigas pwede naman nating alamin kung ano ang problemang kinakaharap ng mga magsasaka pagdating sa pagsasaka, pagtatanim at pag-aani ng bigas, sa paraang ito matutulungan natin ang bansa na masolusyonan ang problemang kinakaharap. Dahil sa mababang produksiyon ng bigas napipilitang mag-import dahil na rin sa pagtaas ng demand sa bigas ng mga kababayan nating mga pilipino. Siguro kung sinusuportahan ng gobyerno ang mga pangangailangan sa pagsasaka hindi tayo maghihirap ng ganito.
No comments:
Post a Comment