Thursday, October 30, 2014

Pagtaas ng Presyo ng Bawang


Pagtaas ng presyo ng bawang sinisilip­

  • Written by  Amihan Sabillo 


  • Mayroong nagmani­pula sa pagtaas ng 





  • presyo ng bawang, ito ang pana­naw ni 
  • Department of Agri­culture (DA)
  • Sec.
  •  Proseso Alcal­a sa mataas na 


  • presyo ng bawan­g sa merkado.

“I don’t see any reason why prices should go up, unless there are some people who are trying to manipulate the price,” ang pahayag ni Alcala.
Aniya, pumapalo sa P280 kada kilo sa Metro Manila ang bawang na halos kasing mahal na rin ng mga imported na bawang na nasa P290 hanggang P350 ang kilo.
Sinabi naman ni Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Director Leandreo Gazmin, na posibleng ang malamig na panahon mula noong Disyembre hanggang Pebrero ang dahilan ng pagmahal ng bawang o ‘di kaya ay dahil sa suplay nito.
Kaya naman patuloy ang imbestigasyon ng DA kung may nagmanipula sa pagtaas ng bawang dahil ang dapat umanong nagtaas ay ang imported na bawang at hindi ang local produce.
Asahan naman umano na ngayong araw o linggo ay kanila ng ilalabas ang tunay na dahilan kung bakit bigla ang pagtaas ng presyo ng bawan­g sa merkado.

REAKSYON:
                    Talaga namang tataas ang presyo kapag mayroong nagmamanipula rito. Para saakin masyado nang mataas ang presyo ng bawang sa ngayon kumpara dati. Sa tingin ko ito ay sa kadahilanang nagkukulang na ang suplay ng bawang sa ating bansa gayong tumataas ang demand nito. Maaari rin namang dahil ito sa panahon kung hindi masyadong bumubunga ang tinanim na bawang kaya't nagkukulang ito sa dami at dahil rito maraming mamamayan ang naghahanap nito kaya tinataasan ng iba ang mga presyo ng kanilang paninda.





JOSHUA O. VELITARIO
IV-YAMEY


NELIA HERNANDEZ
GURO SA Araling Panlipunan


No comments:

Post a Comment