55 sentimos price increase sa diesel
Hindi pa man nakababangon ang mamamayan sa naging pinsala ng baha dulot ng habagat at bagyong “Maring” sa Luzon, agad na nagpatupad ng mga kumpanya ng oil price hike matapos ito ipinagpaliban nitong nakaraang linggo. Epektibo 12:01 ng madaling araw kahapon, dinagdagan ng Chevron at Petron ng 90 sentimos sa presyo ng kada litro ng kerosene, 60 sentimos sa gasolina at 55 sentimos sa diesel para sa...Oil price hike sa Visayas, Mindanao ipinatupad
Ni Bella Gamotea Nadagdagan ang pasanin ng mga motorista sa Visayas at Mindanao nang magpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa kahapon ng umaga. Epektibo 6:00 ng umaga nitong Huwebes, dinagdagan ng Petron, Pilipinas Shell, at Seaoil ng P0.45 ang presyo kada litro ng kerosene, P0.40 sa gasolina at 20 sentimos sa diesel. Read More »90 sentimos price hike sa diesel
Pinangunahan muli ng tinaguriang “Big 3” ang bagong oil price hike na ipinatupad kahapon ng umaga. Epektibo dakong 6:00 ng umaga nagtaas ang Chevron, Pilipinas Shell at Petron ng 90 sentimos sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene habang 45 sentimos naman sa kanilang ibinibentang gasolin. Read More »P0.70 price hike sa gasolina
May dagdag-pasanin na naman ang mga consumer matapos magpatupad ng panibagong oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa epektibo kahapon ng umaga. Dakong 6:00 ng umaga nang magtaas ng presyo ng petrolyo ang Phoenix Petroleum at Flying V ng 70 sentimos kada litro ng unleaded gasoline, 60 sentimos sa regular gasoline at 30 sentimos sa diesel. Tinaasan din ng Flying V ng 60 sentimos ang presyo...Presyong gasolina, tataas; diesel, tatapyasan
Ni Bella Gamotea Asahan ang posibleng dagdagbawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo. Batay sa pagtataya ng Department of Energy (DOE), posibleng madagdagan ng P0.90 ang presyo sa kada litro ng gasolina ngayong linggo. Read More »P1.40 price hike sa diesel
Nagpatupad muli ng ikalawang bugso ng bigtime oil price hike ang ilang kumpanya ng langis sa bansa epektibo simula kahapon ng umaga. Dakong 6:00 ng umaga kahapon pinangunahan ng Chevron at Pilipinas Shell ang malaking pagtaas ng presyo ng petrolyo kung saan dinagdagan nito ng P1.20 ang kada litro ng kanilang unleaded gasoline; P1.30 sa regular gasoline; P1.40 sa diesel at P1.50 naman sa kerosene para...Presyo ng petrolyo, nakaambang tumaas
Malaki ang posibilidad na muling magtaas ng presyo sa produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa bansa sa susunod na linggo. Ito ay makaraang magpatuloy ang pagtaas ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan kung kaya apektado ang presyo ng petrolyo sa bansa. Posibleng tumaas umano ng P0.90 ang presyo ng kada litro ng gasolina habang P0.30 naman sa diesel. Matatandaan na nagpatupad ng...
REAKSYON:
Alam naman nating patuloy na tumataas ang presyo ng gasolina kaya naman ang mga tao ay patuloy na lumilikha ng mga makabagong imbensyon. Dahil sa kakulangan sa suplay ng gasolina sa bansa nagkakaroon na rin ng importasyon sa gasolina. Ito'y nagdudulot ng pagtaas sa presyo ng gasolina kung saan nahihirapan ang mga. Kung tayo ay magtataas ng presyo siguraduhin natin na ito ay katanggap-tanggap ng sambayanan. ang mga gasolinahan ay nauuri sa pamilihan na Oligopolyo. Kahit na sabihin pa nating ito ay sentimos lamang, malaki na ang nagagawang difference nito sa presyo ng petrolyo